i’ll miss you kuya!


Naging busy ako lately, busy sa kakagala at kakaikot ng metro manila. Nawili sa paglalagalag at sa trabaho habang ang isang pahina dito sa isang pader ko sa mundo na kung san ako nabibilang eh panandalian kong nakalimutan.

Ngayon, napapabalik ako dito. Gusto kong bago ko makalimutan ang lahat, maisulat ko na ngayon yung mga bagay na gusto kong masabi bago ko pa makalimutan ang lahat.

Isang kaibigan ang namaalam. Isang hindi pangkaraniwang kaibigan. Isang kuya, thou no blood connection at all, tinuring kong parang totoong kuya na rin di nagtagal. Isang stranger lang na nakilala ko sa mall, pero sooner, since wala kaming common friends at all.. sa kanya ko nasasabi at nakukwento ang halos lahat ng mga bagay na di ko masabi sa mga taong malalapit sa akin.

Mas okay kasi sa pakiramdam yung magopen ng mga bagay sa isang taong stranger pa din kahit ilang beses mo nang nakakausap at namemeet. Nakilala nya ang isang side ko na di ko mailabas sa paligid ko, at nakilala ko ang side nya na di alam ng karamihan. We share thoughts and laughters in times. Pretty funny pero nagustuhan ko ang mga araw na madalas ko syang makausap, later on, tinuring ko na din na parang kuya.

July 4th. Eto yung araw na sobrang wasak ako, yung pinakamamahal ko kasi nung time na yun, nakipagbreak sa akin. Pakiramdam ko, nawasak ang buong mundo ko. I can’t move on, pero, sa stranger na to ko nakwento ang mga sentimiento ko. Nakakatawa, pero, ganun talaga, mabuti na lang at malawak pang-unawa ni estranghero.

Time machine. Fast forward. December then January.

Nagtext ako kay stranger, nangangamusta. Yung balita nya sa akin yung isa sa mga pinakamasayang balitang natanggap ko mula nung nakilala ko sya. Masaya na sya, nararamdaman na nya yung pakiramdam ng pagiging kuntento. Sabi ko sa kanya, dapat yung happiness nya eh ipapakilala nya sa akin.. Isang bagay na di ko nagawa sa kanya na hindi ko napakilala ang happiness ko noon.

Time machine ulet. Fast forward, sabay slow motion.

April 27th. Wednesday ng hapon. Around 5pm.

Isang balita ang natanggap ko, wala na daw ang isang kaibigan ko. Dahil sa ayokong maniwala, namura ko pa ng wagas ang taong tumawag sa akin. Nakakainis, di naman kasi nakakatuwang biro yun.

Later that night, that person that I thought died texted me, na mas lalong nagpagulo sa takbo ng kwento. Then following morning, pagkaout ko sa work, yung mismong tumawag sa akin eh tinawagan ko ulet. I asked who that person is and pinadescribe ko yung sinasabi nya at kung tumutugma sa taong biglang naisip ko.

Nangangamba ko nun. Naglalakad habang umiiyak sa overpass sa tapat ng technohub. Ayokong maniwala sa mga inpormasyong natatanggap ko. Si kuya ko, wala na. Sure ba tong taong to na yung taong tinutukoy nya eh kilala ko talaga? Or baka naman nagkataon lang ang lahat. Oo, mas gusto kong isipin yun ngayon.

Buong araw akong walang tulog. Amhirap isipin eh. Tulala lang ako. The night after, shift ko, the next morning.. I went there to confirm if it’s true, if it is just a joke, he better tell me that as early as possible dahil baka yung nagsabi sa akin yung maibabaon ko sa hukay ng wala sa oras.

But.. nagkamali ako.

He’s there. Lying on his coffin. Smiling. Happy. Contented.

I should not ask him why anymore. He’s the best kuya afterall.

–oOo–

Di ako nawalan ng kuya. Nauna lang sya sa kabila, for sure, iccheck nya ung space ko dun.. Baka sakaling magkaubusan eh, mahirap na. Atleast, mairereserve nya ako sa kabilang end if in case. Andyan pa din naman kuya ko eh. Sya ay sya pa din. Wala ng makakapalit sa kanya bilang isa sa mga kuya ko. He’s still alive in my heart and memories.

Rest in peace kuya. Nakakaloko. Sa mismong birthday ko sa linggo ka pa pala ililibing. Isn’t memorable? Every time na magcecelebrate ako ng birthday ko, maalala kita agad? Coolness! I’ll surely miss you kuya!

Cesar Gilaver Gerbolinga Jr.

July 2, 1974  – April 26, 2011.
May your soul rest in eternal peace.

misteryo


Salamat.

Eto yung salitang pinakaweird para akin. Ang salitang bihira kong marinig sa mga madalas kong nakakasalamuhasa araw-araw, or kahit pa sa mismong mga strangers na nakakasbay ko.

Gaano ba kahirap sabihin yung salitang to para sa iyo? Well, maraming version na ako narinig ng paraan kung paano magpasalamat ang isang tao. May kanya-kanyang istilo kumbaga.

May pa-jologs type. Tenkyu.

May pacoño type. Thanks dude!

May pasossy. Tenks.

May weirdo. TY!

Pero bihira ko marinig yung salitang “Salamat“.

May ibang pilit, pero di maikukubli ang pagiging adik sa spelling. Mamats. Eh?

Ikaw? Paano ka magpasalamat? Paano mo pinapakita yung pagappreciate mo sa mga deeds na nagagawa sa iyo ng kahit sino? Sino ka sa alin, at alin ka sa sino?

Before, sa natatandaan ko. May nabasa kong isang artikel dito sa net about sa mahiwagang salitang yan, at mula nun. Lagi ko na syang nagagamit. Ewan, amsarap nya kasing sabihin eh, lalo na kung bukal sa loob mo yung pagsasabi mo ng salitang yun. And, gustong gusto ko yung gulat na reaksyon ng nakakarinig ng salitang yan sa tuwing nasasabi ko ang mahiwagang salita.

Salamat. Salamat sa lahat. Salamat sa pag-aabot ng bayad sa jeepney. Salamat sa pagbabasa ng walang kwenta kong blog write-ups. Salamat sa iyo.

Well, gusto kong magsabi nun sa iyo. Salamat. Alam kong saglit lang yung weirdo nateng love story, pero ayos lang. I learned a lot from you. Salamat. ** and you know who you are. 😉

–oOo–

Di isyu kung paano mo sya sabihin, pero yung thoughts na nagpasalamat ka sa kahit anong paraan eh counted na. Ano naman kung coño ka? Would it make a difference? Nah. I don’t think so. Pero para sa akin, mas masarap pakinggan nga lang sa tenga ang katagang “SALAMAT” compared sa ibang way kung paano mo to sabihin. Mas tunog sincere at mas pinoy na pinoy ang dating nga lang

 

love note


Baby,

Salamat. 😉 Salamat sa palaging pag-intindi sa akin. Medyo malupit ang mood swing ko, chikas mode lang eh! Lately, trip kong magpakaastronaut. Salamat since lagi kang andyan. Pakiramdam ko, kung bigla kang mawawala, medyo mahihirapan akong bumawi mula sa kung asan ako ngayon.

Hindi ko kailangan ang tulong mo, ang suporta mo ang kelangan ko. Thanks for that. Naappreciate ko yung effort na iboost yung moral ko para magpatuloy lang. Oo, test lang to, and I can do it. Chicken feed lang yun. Pramis!

Di ako nagsisisi na naging tayo. Pramis, i’ll be a good boy to you. I love you. Sobra. ♥♥♥

arkhut

adventure ng isang bummer


Its been a while mula nung nanahimik ako. Anong mga rason? Ayun, dami lang inaayos. Inaayos ko yung resignation ko sa office eh. So, it took me few days para lang maayos sya ng tuluyan. Salamat sa pagiging tamad ko! Hahahaha.

Few funny things happen na din since bakasyon ako. Dun ko din napatunayan na malakas pa din ang charisma mo. Bohahaha! At di pa din sya kumukupas. *ang huling umangal about sa sinabi ko eh ayun, comatose..*

TIN Number. Ang North Station sa dulo ng West Ave.

Bakit kailangan magpatransfer ng branch pa? Hindi ba pedeng magkaron ng isang system ang gubyerno para sa kung kinakailangan, what we only need to do is just to update our information instead of maglakad ng pagkadami-daming papeles. Tsk. Oh sya, umaatungal ako kasi hassle para sa akin yung paglalakad ko nung mga papers ko, mula sa Ugong, Pasig na branch, ipinalipat ko sa West Ave, Quezon City yung TIN number ko. Weird ah.*hassle  na para sa akin yung pagpunta sa ugong then submit ng 1905 na form! LOL Magpatuloy sa pagbasa

1.. 2.. 3.. *click*


Okay. Hinga hinga hinga. 1.. 2.. 3… *click*

Kelan nga ba ang huling dalaw ko sa blog ko? Di ko na matandaan. Ayan, umeepekto na naman ang pagiging makakalimutin ko. Hahaha! So far, so good naman. Kung tatanungin mo kung anong nangyayari sa’kin at bakit amtahimik ko, eto lang ang sasabihin ko.. “i’m happily inlove”.

5 reason kung bakit ako masaya. Lemme tell ya this, abot langit yung sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin.

Countdown.

3. Nakapagfile na din ako ng resignation letter sa wakas. My stay sa company will be good up until 16th of this month. Oo, sa wakas nafile ko din sya. Ilang attempt na ba ang ginawa ko para ifile yun? Ilang beses na ba akong nagsabi na magreresign ako? Ilan buwan ba ang nahintay ko para walang pumigil sakin sa balak ko? Hahahahaha!

2. New work place. From tandang sora, sa the fort ako nagwo-work. 45 to 120 minutes na biyahe yun every day. This time, tandang sora to philcoa-techno hub lang. 5 to 15 mins na biyahe. Mas malapit di ba? Isang rason para mas magcelebrate ako. Yey! Mas malapit eh. For sure, this time eh makakaipon na din ako.

1. Kami na ni J-Anci! Yow. Unexpected. Super. But, I am very very very very happy! Abot langit. 🙂 Kelan nga ba ang huling relasyon ko? 8 months and 2 days to be exact, and ngayon, may isang taong nagbibigay ng sapat na rason para matuto akong magtiwala ulet. Salamat. Ikaw na bahala sa makeso kong ugali ah?! Hahaha. 🙂 Love love love love.

Pakiramdam ko, isa akong teenager na nagkaron ng unang karelasyon. Saya di ba? I love you. Love love love love. Oo, I’ll be a good boy from now, promise yan! 🙂

mood swing


Atleast, di ka nakakain ng Hopia.

Di ko alam kung anong meron kahapon at sobrang dami ng nangyari. Natawa, naiyak, nainis, naasar, nagalit, napikon, nabuwiset, nalungkot, sumaya.. ano pa ba? Lahat ata eh naramdaman ko na kahapon, pero hanggang ngayon, di ko pa din alam kung paano idedescribe in one word yung lahat ng nangyari..

Namuryot.

Saktong pauwi na ako kahapon, 8:40PM, dumating ako ng cubao. Ang trip ko eh manuod ng sine kahit ako lang mag-isa. Eto kasi ang favorite libangan ko pag wala ako magawa. So, san pa ba ang derecho ko? Malamang sa malamang eh sa Gateway Mall. Ang paborito kong mall for movie trip. Bakit dito? Mura kasi, roughly around 161 petot to 181 petot. Yung 3D naman nila eh 250 petot lang. Mas mura kumpara sa SM. (ayan, nagplug pa ako! hahaha) 🙂 Cool pa nung service nila din. So far, Gateway mall ang first option ko for movie tripping pag around the metro. Kaso, ang LFS (last full show) nila eh 9:50PM pa. Ayun, namuryot ako. Di na lang tuloy ako naghintay.

Laughtrip. Magpatuloy sa pagbasa

ang baul


Nasabi ko bang ginagahan lang akong magsulat pag inaantok ako? Yung tipong gusto ko nang matulog pero yun lang eh ayaw pa ng utak ko matulog? Tipong, bagsak na yung mata ko, at patay na sa pagod yung katawan ko pero yung utak ko eh sumisipa pa din at gustong lumamyerda.

Gawd, di ko alam kung anong klaseng katangian meron ako pero seryoso, natatawa ako. Weird eh. 🙂

Gusto mo ng sample? Eto.Ginawa ko tong article na to nung panahon na antok na antok na ako, yung panahon na tinataguan ko ang mga kaklase ko kasi, trip ko lang magtago dahil ayokong tumulong sa kanila sa paggawa nung project nila. Oha, dahil dyan, napilitan akong magbabad sa katabing shop ng 5 oras, at sinaktong tapos na sila nung lumabas ako.

Heka, bat ko nagawa yun? Kasi gusto ko silang gumawa sa sarili nila. Its their time to do the task on their own, madamot na kung madamot, wa pakels kung bumagsak sila dahil sa hindi ko sila tinulungan, basta ang nasa mindset ko nun.

“di ko kayo tutulungan kasi gusto ko kayong matuto. sabihin nyo nang madamot ako, pero, oo.. madamot talaga ako.”

eto yung link nung article, dapat eh isusubmit ko to sa Coffeetable article ng PUP, kaso, kinapos ng oras, ginawa ko sya para isumite naman sa palanca, pero, masyadong matagal naman at ayun.. nakow! inatake lang ng katamaran. tsk.

Eto sya. Magpatuloy sa pagbasa